Ayon sa batas ng unibersal na grabitasyon ni Newton, ang isang partikula ay napapalapit ang bawat ibang partikula sa sansinukob gamit ang isang puwersa na direktang proporsyonado sa produkto ng kanilang masa ngunit sila din ay may kabaglitarang proporsyonado sa kuwadrado ng layo sa pagitan nila. Ito ang pangkalahatang pisikal na batas na isinalin mula sa mga obserbasyon na tinatawag naman ni Isaac Newton na pasaklaw (induction). Bahagi ito ng mekanikang klasiko at ipinormula sa aklat ni Newton na Principia, na unang inilimbag noong Hulyo 5, 1687. (Sa taong 1686, inilahad ni Newton ang nasabing aklat sa Lipunang Malahari [Royal Society]; nagpahayag naman si Robert Hooke na nagmula sa kanya ang batas ng binaligtad na kuwadrado.)
Sa makabagong wika, ang ipinahihiwatig ng batas ay: Ang bawat punto ng masa ay napapalapit sa bawat isa pang punto ng masa sa pamamagitan ng isang puwersa na nasa linyang bumabagtas sa dalawang nasabing punto ng masa. Ang puwersa ay direktang proporsyonado sa produkto ng dalawang mata at may kabaligtarang proporsyonado naman sa kuwadrado sa layo ng pagitan nila. Ito ay nangangahulugang habang lumalayo sa isa't isa ang mga puntong masa, mas lalong humihina ang puwersang grabidad nila sa isa't isa at habang lumalaki naman ang kanilang masa, mas lalong lumalakas ang puwersang grabidad nila sa isa't isa. Ang unang pag-aaral ng teoriya ng grabitasyon ni Newton sa pagitan ng dalawang bagay sa laboratoryo ay ang ekseperimentong Cavendish na isinagawa ng Britanyong siyentipikong si Henry Cavendish noong 1789. Nangyari ito matapos ang 111 taon mula sa pagkakalimbag ng aklat na Principia ni Newton at 71 taon naman matapos ang kanyang pagkamatay.
Ang batas ng grabitasyon ni Newton ay may pagkakahalintulad sa batas ng mga puwersang elektriko ni Coulomb, na ginagamit upang mataya ang kalakihan ng puwersang elektriko sa pagitan ng dalawang naka-charge na bagay. Parehong silang batas na kabaligtarang kwadrado, kung saan ang puwersa ay may kabaligtarang proporsyonado sa kuwadrado ng layo ng pagitan ng dalawang bagay. Ang batas ng mga puwersang elektriko ni Coulomb ay may produkto ng dalawang naka-charge na bagay, sa halip ng produkto ng dalawang masa, at elektrostatikong di-nagbabago, sa halip na grabistasyon na di-nagbabago.